Liham sa Mga Mag-aaral ng DepEd-NCR na kukuha ng LAMP Year End Assessment
Magandang araw sayo!
Isang pagbati mula sa pamunuan ng Department of Education – National Capital Region. Kami ay nagagalak na pinili mo na kumuha ng LAMP Year End Assessment sa taong ito. Masaya kami sa iyong muling matagumpay na pag-aaral! Isang malaking tulong sa DepEd-NCR ang iyong partisipasyon sa LAMP Year End Assessment. Ito ay nagpapatunay ng iyong kahandaan bilang mag-aaral. Mahalagang bahagi ng iyong pagtatapos ng Grade 3, 6, 10 o12 ang pagsubok na ito.
Wag kang mag-alala dahil ang resulta ng LAMP Year End Assessment ay hindi makaka apekto sa anu mang asignatura mo. Hindi ito kasali sa iyong grade. Pero, aming hinihiling sayo na seryoso mong sagutan ang bawat tanong. Alam mo ba na ang Assessment Team ng DepEd-NCR na binubuo ng mga Supervisor mula sa Curriculum and Learning Management Division (CLMD) katuwang ang mga piling-piling guro ng National Capital Region (NCR) ang sumulat ng LAMP test items? Ang mga mag-aaral na tulad mo tanging iniisip nila sa kanilang pagsulat ng mga katanungan na ito. Kaya kung sakali man na may mga tanong na sa tingin mo ay mahirap at hindi mo alam ang sagot, mas makakaigi pa rin na ito ay iyong susubukang sagutan. Ito ang dahilan kung kaya ang LAMP Year End Assessment ay maari mong kunin kahit saan ka man naroroon at sa anong oras mo man nais. Dahil nais namin na bigyan ka ng sapat na panahon upan masagutan ang lahat ng katanungan.
Nais namin na ipaalam sayo na ang resulta ng LAMP Year End Assessment ay gagamitin lamang upang malaman kung anu-ano ang mga epektibong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng DepEd-NCR. Ito rin ay magbibigay ng gabay sa mga guro upang higit na pag-isipan kung paano ang mga mag-aaral ay higit na matututo.
Hangad ng paunuan ng DepEd-NCR ang mabigyan ang bawat bata ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng pagsasanay sa iyong mga guro upang ang higit na mabisang paraan ng pag-aaral ay maihain sa inyong mga mag-aaral.
Ikaw ay inspirasyon namin sa lahat ng aming mga ginagawa. Nawa ay patuloy kang maging masigasig sa iyong pag-aaral. Panalangin namin na ikaw ay magkaroon ng maunlad na buhay, lumaki ng may takot sa Diyos na Lumikha, maging kapaki-pakinabang sa ating bansa at maging mapagmahal sa kapwa.
Palagi kang manalangin upang ang gabay ng Diyos ay sumaiyo.